6:01 AM

BAKIT KAYA ANG TAO GANUN ?TSK..TSK..TSK//

Y lyk this?!

May mga taong magaling lang kapag may kailangan sayo. Mabait kapag alam niyang makikinabang siya sa iyo at makakakuha siya ng impormasyon o makakatulong ka sa mga pangangailangan niya.O di kaya mayroon siyang hihinging pabor sa iyo.Tapos kapag nakuha na niya ang gusto niya, bigla mag-iiba ang ihip ng hangin at parang bigla na lang hindi ka na nag-eexist.Deadma to death ka na.

May mga taong laging nakaalalay sayo, mabait at puro papuri ang maririnig mo. Parang asong di mapopoo sa pag-aasikaso sayo.Sunod-sunuran sa lahat ng sasabihin mo. Ang bango ng pangalan mo sa kanya… op kors amoy PERA ka! Pero sa oras na lubog ka, masahol pa sa basura kung ituring ka. Kulang na lang ihampas ka sa lupa!

May mga taong parang sila ang napapasweldo,bumubuhay at nagpapalamon sa iyo. Kung makaasta pa parang lahat ay utang na loob mo sa kanya, pero kung tutuusin lahat naman ay pinabayaran niya.May mga tao naman na akala mo taos-puso ang pagtulong yun pala mahal sumingil ng utang na loob.

Meron din namang mga “know it all”. Sila lang ang magaling. Sila lang marunong. Sila lang ang mahusay. Sila lang ang matalino.Sila lang ang may kaya. Akala mo kung sino.Ayaw pasapaw. Hindi papatalo. Pero ang totoo kung sa lawak lang ng nalalaman mas lamang ka at kaya mong higitan ang magagawa niya.

May mga sadyang hipokrito. Alam naman niya sa sarili niya ang totoo, ngunit showbiz sa pagdeny.Siya pa ang may ganang magtaas ng kilay.

May mga taong kapag kaharap mo ay ok sayo. Ang ngiti di mo mawari.Parang anghel…patalikod pala kung sumaksak. Mga tupperwares at orocan!Mga plastik.

May mga taong sadyang mapanira. Sila yung mga taong pilit itutulak ka para tuluyang maglalaglag sa bangin, ang hihila sayo pababa at ang aapak sayo para mas lalo kang lumubog. Sila yung mga taong ipagsisigawan sa buong mundo ang mga kamalian mo at ang mga bagay na hindi mo napag-isipan na nagdala sayo sa isang di magandang sitwasyon para mapahiya ka nang lubusan. Sila yung mga taong dadagdagan pa ang bigat ng pasan mo.

Tapos sasabayan pa ng mga ususero at ususera na buhay ng iba ang laging pinag-uusapan.Makikisawsaw. Makikisali. Manghuhusga. Hindi naman alam ang totoong nangyari at hindi naman alam ang buong kwento. Wala nang nakita kundi ang kasiraan ng ibang tao.

Sa panahon ngayon, ilan lang ang mabibilang mong tunay na kaibigan. Mabibilang mo lang sa daliri mo ang mga taong tanggap ka kung ano ka at hindi kung ano ang meron ka. Yung babatukan ka kapag may nagawa kang mali pero ituturo sayo ang tama. Bihira na ang nagpapakatotoo, mas marami na ang nagpapanggap.

Iba’t-iba ang ugali ng tao.Bawat isa may “attitude”. Parang Century Tuna, iba-iba ang flavor.Meron sweet and sour, may hot & spicy at may plain-flakes with vegetable oil!Iba-iba ag timpla, iba-iba ang lasa. Ang kagandahan lang kapag namimili ka sa grocery store,makakapili ka talaga ng gusto mo dahil may label. Ang tao walang label! Hindi mo alam kung ano ang nasa loob. Hindi mo alam kung anong meron siya. Hindi naman kasi pwedeng may papel na nakascotch tape sa noo niya na may nakasulat kung anong attitude ang taglay niya. Wala tayong ideya kung anong klaseng tao ang mga nakakasalamuha natin at hindi natin mapipili ang mga taong pakikisamahan natin.

Hindi lahat pare-pareho. Hindi lahat kayang umintindi. Hindi lahat may puso.



FOR ME." Because it's better to be ALONE than to be with a BAD Companion PERIOD"

4:43 AM

Goldspot Promo | Spot.PH

Goldspot Promo | Spot.PH